Wala kang mapapala
September 10, 2008
Nanonood kami ng Lupin III. OVA nga lang at hindi yung series, ang title: The Castle of Cagliostro. Hanep, 1980’s pa sabi sa info.
Naalala ko tuloy nung bata pa kami at inaabangan talaga ang susunod na episode ng Lupin III. Ang galing ni Lupin! Astig na magnanakaw. Buong pamilya nga nanonood nun, pati Mom and Dad ko. Napaisip nga ako dati kumbakit pumapayag silang manood kami non eh tungkol nga sa magnanakaw. Ngayon, narealize ko na kaya siguro hinayaan lang kami ay hindi dahil pabaya silang magulang kundi dahil mabait pa rin at matulungin si Lupin kahit magnanakaw siya. Nakakamiss! Sana ipalabas ulit yun sa GMA.
Pagdating ni Daddy, una niyang salita: “Lupin?!” :D
[read on...]