Rrrrant!!!!

September 18, 2008

Kumukulo ang dugo ko.

Nanonood kasi ng Wowowee ang dad ko. Putek.

Gusto kong sakalin si Willie. Or gilitan na lang ng leeg. Argh…

Bwisit naman kasi, walang matinong movie. Pinapagtyagaan tuloy niya yung TFC. Kaninang tanghali tiningnan ko na sa guide yung mga palabas, wala ngang maganda, kahit sa HBO. Weekdays kasi. O namimiss lang talaga ng dad ko ang Pilipinas? Nakakainis eh. Hindi naman siya nanonood ng Wowowee nung nasa Pilipinas kami. Ba’t ngayon?! Argh.. Di ba niya alam na nakakabobo yung panonood nun? Alam naman niya, dahil napapacomment din siya ng negatibo. Parang tanga lang, pinagmumukhang tanga yung mga Pilipino. Oo, nakakapagbigay sila ng pera at kung anu-ano. But at what expense?! Kahihiyan ng mga tao na lahat gagawin para magkapera. Below the belt pa kung makabanat si Willie. All for comedy.

Naririnig ko rin dahil nasa harapan ko yung tv, mga 13ft mula sa kinauupuan ko ngayon. Gabing-gabi yun pinapanood. Baka bangungutin ako mamaya.

Nakakabwisit!!!!

2 Responses to “Rrrrant!!!!”

  1. anakngpiso said

    totoo!!! one of the main reason kung bakit ayaw kong nanonood nun… di ako against dun pero naaawa lang ako dun sa mga contestants.. pwede naman silang magbigay ng pera ng hindi nagmumukhang tanga yung mga tao.. cool ka lang, ang puso mo.. cheers;p-glesy the great

    honga. ang pangit ng patawa nila eh, nakakainsulto. haha.. nagagalit lang ako on behalf of the contestants. masyadong affected. kawawa na kasi ang Pinoy eh.

  2. Hmm… :roll: hindi ko na matandaan kung gaano na ako katagal sinawaan manuod ng mga noontime shows. Ahehe, lalo na yung may mga nagkikikiwal-kiwal na mga “distractors” na hindi mo maintindihan kung bakit kelangang magkekembot-kembot dun? sexbomb ba tawag dun? :lol: meron pa bang mga ganyan hanggang ngayun?

    Salamat sa pagbisita sa birthday post ko, mayui. ;)

    wala na po yatang sexbomb. pero meron pa ring mga babaeng kumekembot, di ko nga lang alam pangalan nila. di ko rin alam kumbakit kailangan may ganon pa sa show.
    salamat din po sa pagbisita.

Leave a Reply