Pagkakaibigang Walang Katulad
September 22, 2008
Yeeees. Title pa lang, madrama na. Pero kala niyo lang yun. Di ito madrama.
Magsimula muna tayo sa isang tanong, para pabida. Syempre uso yung rhetorical question sa mga essays, di ba? Kung papipiliin ka, anong gusto mo, true friend o good friend?
Pareho lang? Well, para sa ‘kin at sa mga kaibigan ko, di yan parehas ng meaning. Magkaiba yan; pwede ngang opposite eh. Base sa depinisyon namin ah.
Ang true friend ay kaibigang totoo. Ang good friend ay kaibigang mabuti. O, di ba, tinagalog ko lang.
Ang true friend ay totoo sa salitang totoo—walang kasinungalingan, walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo po lamang. Prangkahan, kumbaga. Kesehodang makasakit ng damdamin, basta nagiging totoo sa sarili. Kapag nakakainis ka na, sasabihin sa’yo na nakakainis ka na. Kapag nagtanong ka ng opinyon ng true friend, sasabihin niya talaga kung ano ang opinyon niya, at hindi siya mag-iisip ng pampalubag-loob sa’yo kung negatibo man yung sagot niya. Kapag magpapasama ka sa kung saan, pwede kang sagutin ng “ayoko, tinatamad ako.” Wala kang magagawa. Sorry ka na lang. Pero no offense meant, dahil naging totoo lang naman yung kaibigan sa sarili niya. Eh sa tinatamad eh. Ikaw ba, di ka tinatamad kung minsan?
Ang good friend naman ay mabuti, mabait, mapagbigay. Puro mabubuti ang sagot niya sa’yo. Pinupuri ka niya. Kapag down ka, bobolahin ka niya para gumaan ang pakiramdam mo at bumalik ang self-esteem mo. Tutulungan ka niya kahit di niya siguradong kaya niya. Pipilitin niya at gagawin niya sa abot ng kanyang makakaya. Kapag nagpasama ka sa good friend, sasamahan ka niya kahit na may iba siyang dapat gawin. Handang magsakripisyo. Martir. Parang santo. Sana kunin na ni Lord. Yan ang good friend.
Hulaan niyo kung anong klaseng kaibigan ang barkada ko.
True friend?
Mali!!
Both kami, both!
Sa barkada ko noong high school, may natural na good at natural na true. At habang tumatagal, naiimpluwensyahan ng bawat isa ang isa’t isa. Totoo at mabait—ang gandang combo. Kaya siguro masaya kami. Dahil walang plastikan, walang iwanan.
Kung sa pagiging true friends, madaming instances yan. Brutal ang iba sa ‘min at kung magsakitan, ganun na lang. Kala mo naglalaro lang yun pala totoo na, at kala mo totoo na yun pala naglalaro lang. Naghahampasan habang nagtatawanan. Ayos, di ba? Minsan nga iniisip ko kung yung classroom namin noong highschool eh ward sa mental. Eh taga-Munti (bilibid) naman kami at hindi Mandaluyong, kaya malayo. Ang matindi pa, mga opisyal sa CAT at honors students ang nagwawala. Model students, ano?
Typical na usapan: 1: ang pangit mo! 2: alam ko! ikaw din! 1: oo!Palibhasa magkakaklase na kami mula 2nd year, kaya pagdating ng 4th year high school, alam na namin ang likaw ng bituka ng bawat isa. At sobrang dami na rin naming pinagdaanan kaya tried and tested na.
Sa pagiging good friends naman, maasahan din kami. Handang makinig sa problema ng isa’t isa. Shoulder to cry on, handkerchief to blow on. Tagapagbigay ng moral support at reassurance. Taga-encourage sa mga down. Tagapagpatawa kapag nalulungkot. Tagakain ng handa sa birthday celebration (ay, sa true friend ata ‘to).
Depende kung ano ang hinihingi ng panahon. Kung true friend na mag-uuntog para magising sa katangahan ang kailangan, magiging ganun kami. Kung good friend na pahahabain ang katotohanan (stretch the truth, anuber!) para lumakas ang loob ang kailangan, magiging ganun din kami. Kilala na namin ang isa’t-isa kaya alam na namin kung ano ang dapat. Kahit hindi dapat, pwedeng ipilit!
Kami ang magkakasama sa halos lahat ng oras at panahon. Kasamang kumain, tumawa, magalit, umiyak, magwala. Kapag may camping, kasama pang matulog. Kasamang magcelebrate ng victory, at kahit ng failure. Kasamang mag-feel at home sa bahay ng may bahay at mag-movie marathon. Tambay sa kung saan kahit na last minute ang ayaan.
Kung wala sila, siguro hindi magiging ganoon ka-meaningful, kasaya, at ka-unique ang high school para sa ‘kin. Sila ang kumumpleto ng high school life ko. At kahit hiwa-hiwalay na kami ngayon at sa iba’t-ibang university na nag-aaral, mananatali sila sa puso’t isip ko. Hinding-hindi ko sila ipagpapalit.
Cheers, efescie! Isa lang masasabi ko…
May pagkakaibigang nabuo!!!!
yan ang pagkakaibigang walang katulad :j
thumbs up for you. hahahaha! may effect pa ako
ahaha! salamat! welcome sa blog ko. salamat sa pagbisita!
kaibigan ba kamo? marami ako n’yan, tingnan mo nagkatrabo lang sila wala ng pakiramdaman hehehe, kaya ngayon pa lang, sabihan mo na mga kaibigan mo na kahit anong mangyari walang iwanan.. lolz.. (korni ko) pero dapat napapag usapan na ‘yan habang maaga..
naaalala ko classmate ko nung highschool ako daw ninong pag nagkaanak na s’ya. ayun nagkaanak nga, ako daw ninong punta nga daw ako sa binyag eh.. tapos nung tinanong ko kung kailan, taeng ‘yun hindi na nagreply.. ayun bente anyos palang dalawa na anak.. saya diba?.
pero fwends pa din kami kahit hindi nagkikita.
nice to read \m/
kahit nga ngayon, di na kami gaanong nagkikita. yung mga magkakasama na lang sa iisang university ang solid. pero okay lang; kapag nagkikita naman, nandun pa rin yung saya.
wow, ayus naman yung kaibigan na yun. pero baka naman naubusan lang ng load? ahaha..
(oi mayui, maraming salamat napadpad ka pala sa aking mini litrato bar.)
nakakamiss nga yung mga kaibigan ko nung highschool. ahuhu. konti lang sila pero di ako nagsisi sa bawat sakripisyong ginawa ko para sa kanila.. hanggang ngayon, after almost 10 years solid parin kahit yung iba nasa ibang bansa na.
yey! nakakamiss nga talaga sila. sana kami din after 10 years solid pa rin kahit na nasa kung saang lupalop na.
hi mayui, sana magtagal pa ang samahan at pagkakaibigan nyo ni efescie. :)
sana nga po. at yung efescie po pala ay pangalan ng grupo namin. :)
salamat po sa pagdaan.
aww. that’s great to have a dear friend that you can lean on whatever happens.. ;)
bloghopping.. ;)
yep! i wish everyone has one. in my case, i have a whole group of friends–saya!
thanks for dropping by! *eks-di*
wow pong.. naks! solid efescie..
sana magtagal tayo ng bonggang bongga..c:
ayan, namiss ko tuloy ung buo tayo..
namiss ko yung high school.. aaaww..
wow! napadaan ka! yey! welcome, bord! :D
sana nga magtagal tayo. hehe.. at talagang kakamiss!! senti mode na naman. ahaha..
nakakaiyak naman to. ching. pro 22o nga ung classification mo ng friend, isang true at good. kami ng barkada ko, malamang sa true kami, di lang dahil nag.uubusan kami ng ulam sa may bahay ng may bahay kundi nagpla.plastikan este nagge-gerahan din kami.
tanong ko lang, bakit lahat ng may barkada may nabubuong pangalan? haha. la lang. :)
ahaha.. ang sarap ng mayrong true friends. naman, ba’t kayo naggegyerahan?
mas solid daw pag may pangalan sabi ko. ahaha.. wala lang, pauso lang yun ng mga magkakabarkada.
ui pong.. haha..
na-touch naman ako sa blog mo.. to be fair.. teary eyes na ang drama ko dito habang nakatapis ng towel [kaliligo ko lang eh..XP katamad pa magbihis..XP]
grabeh.. nakaka-miss nga talaga ang high school.. eh ano naman kung walang mga gig, inuman at party noon.. kahit mga simpleng bagay lang ang gawin natin noon.. bonggang saya na.. nakaka-high na.. haha..
sana nga magtagal pa tayo.. kahit matatanda na tayo.. sana friends pa rin tayo..
efescie frickin’ rocks!! haha..XD
waaaaaaaah!! napadalaw ka! nag-iwan ka pa ng bakas! at di ka pa nakakapgbihis ng lagay na yan ah. ahaha!! tama! kahit na simpleng brutalan lang tayo non, masaya na. tanda ko pa nung nagsakalan sila fiot at aman. ahaha… putek.
sana nga, friend! musta na ba sila? may balita pa ba kayo kay mawi? ahaha. may pagkakaibigan naman talagang nabuo eh. we rock!!