Wallowing
October 2, 2008
I was apprehensive days before… Tapos nun yun na nga, naconfirm ang kaba ko. I was right to feel anxious. Ngayon, di ko na alam ang gagawin ko… Walang magagawa kundi umasa.
And I was right about another thing. I hoped I wasn’t, but it was so predictable. I was right. Right about wrongs. I feel so stupid for hoping for the opposite when all the signs point to it.
Uulitin ko na yung wish ko more than a year ago: Sana ******** **** ********.
Naiinggit ako sa mga taong nakakatulog kaagad at nang dire-diretso. Yung mga taong hindi nagigising oras-oras. Mga taong nakakatulog ng maaga at nagigising ng late na. Mga taong hindi nagpapaiba-iba ng posisyon sa pagtulog para makahanap ng pwestong kumportable, only to give up trying to fall back to sleep para tumulala sa kisame. Sana magkasakit na lang ako. Sana akin na lang ang sakit mo.
I never thought I’d say this, but… Pagod na pagod na akong mag-isip.
****
“What do we call the people who don’t do what they should?”
“Stupid.”
****
“You’re one of the strongest 16(17)-year-olds I know.”
“I believe in you.”
“I’ll beat the emo out of you.”
“This, too, shall pass.”
****
Please help me cry…
ewwwww.. JJ-ish haha
sira! salamat na rin sa pagdaan, LD.
Hindi ako makarelate, bagong salta lang kasi ako dito, hehe. Pero I wish you well, I hope everything will eventually fall into their right places. =)
thanks. i hope so too. thanks for dropping by, anyway.
nakakatulog na ako
ng maayos ngayon
at ikaw rin
sana malapit na
:)
ang tamang gising kasi
ang nagbibigay ng pagasa sa tao
:)
ah. mabuti naman po. sana nga makatulog na rin ako nang maayos nang magising na rin ng tama.
too much koreanovelas?
no.. i haven’t watched any in a while. this is pure emoness. it’ll pass.. i hope. thanks for dropping by.
lam mo mayui the more you try to get rid of things, the more they try to get the best of you. minsan, kailangan natin silang harapin para magkasubukan na at para matapos na ang dapat matapos. walang ibang makaka-resolve nyan kundi ikaw. kung pwede nga lang me rumelyebo sayu diba? tingnan mo, pag hinarap mo na yan…makakatulog ka na ulit ng normal.
good luck! :)
wala po akong tinatakbuhan.. yun nga po yung problema, gusto kong harapin na yung problema at solusyonan, pero di ko magawa dahil nasa malayo ako. nakakafrustrate. anyway, salamat po. kayo din, good luck!
ayt. another emo blog entry.
panay emo ang nababasa ko lately ha.
anyways, ako din hindi makatulog sa gabi iniisip ko nga na baka sakit na ‘to.
madalas kasi akong naeexcite sa isang bagay, maliban dun, iniisip ko yung kinabukasan, o paglumala yung problema, nakakaemo talaga yun,
pero sa huli mas mahirap yung hindi ka makatulog dahil wala kang maisip. lolz
libre lang mangarap lolz.. dadating din yun. kung ano man yun. :)
\m/
hindi po ako nangangarap sa entryng ‘to. natawa ako dun ah. iniisip ko yung mga possible solutions na di ko rin naman magawa. mga possible outcomes, kung anong dapat kong gawin. daming worries.
okay nga kung walang iniisip na problema bago matulog eh..
may insomnia ka din ba? haha. di ako masyadong makarelate, ndi naman ako emo. easy ka lang girl, mahirap yan pag nag nervous breakdown ka. tsk. iiyak mo yan kundi baka makita nalang kita dun sa may kanto, hinahanap sina crispin at basilio. magpasapak ka nalang para tulog agad, pustahan, hapon ka na magigising.
lahat ng problema may solusyon, lahat ng dapat sabihin dapat sinasabi at lahat ng dapat tumulo kaylangan tumulo. di masarap sa pakiramdam yung sipon na pabalikbalik. kaylangan yan, nilalabas tulad ng luha. seriously, umiyak ka. wag kang mahiya kung may makakita sayo keber nila? tska malay mo may makadiskober pa sayo at maging artista ka pa dba! Oha! iyak lang, tapos nun wala na. :)
ui, thanks. ewan ko kung insomniac ako. dami lang iniisip kaya di makatulog. medyo okay na naman ngayon. lumilipas na ka-emo-han. wala naman makakakita sa ‘kin kahit umiyak ako. mag-isa ako lagi dito sa bahay dahil lahat sila may school o work. salamat ulit. :)