Lowest Point
October 4, 2008
Tawanan ang problema.
Hindi ko alam kung saan o kanino ko yan nakuha. Parang wala ata, basta ko na lang naisip. Pero alam kong may nakaisip na rin niyan bukod sa ‘kin kaya di ko masasabing original yan.
Mabilis akong matawa, magalit, sumaya, malungkot. Moody ako. Kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko, kahit sobrang dami ng inaalala at problema, nagagawa kong iwaksi sa isip ko yun. Nagagawa kong ngumiti at tumawa. Di nga lang masasabing tunay na ngiti at tawa yun. Sa isang taon kong pagkawala sa piling ng barkada at mahal ko, sa isang taon na puro anxiety at puro problema sa pamilya, napansin ko na nagbago ang tawa ko. Nahuli ko na lang ang sarili ko na pagak na ang tawa. Peke na ang tunog. [read on...]
Iisa Lang
October 4, 2008
Naranasan mo na bang matawa sa isang sinulat o sinabi na hindi naman joke at walang punchline pero may naisip kang pwedeng ipang-punchline kaya natawa ka pero nakatawa ka na bago mo pa naisip yung sarili mong punchline?
rambling, i know. my teachers will kill me. ahaha. [read on...]