Relief

October 9, 2008

Pinag-alala mo ako ng sobra. Parang naging frantic ang action-reaction ko. But that’s okay because I wasn’t worried for long. I appreciate your effort in going online despite everything, just so we can talk. The important thing is you’re here. I’m still worried about you, though. Kase naman…

The good thing about worrying is when you realize that it isn’t as bad as you thought, and then you get this feeling of immense relief. Isang malaking-malaking WHEW! [read on...]

Ate

October 9, 2008

Higit limang taon na rin ang nakalipas mula nang huli tayong magkita. Kumusta ka na kaya? Nasaan ka na kaya? Sa totoo lang, wala naman akong balak na makita ka o makausap ulit. Okay lang kung sakaling magkikita man tayo o magkakausap sa telepono, pero wala pa akong balak na hanapin ka. Saka na siguro, kapag kaya na kitang tulungan, para makabawi naman ako sa mga nagawa mo para sa amin. Gusto ko lang makibalita ngayon kung buhay ka pa, kung maayos ang lagay mo at ng pamilya mo. Naging bahagi ka rin naman ng pamilya namin ng humigit-kumulang limang taon. Pati na rin ang mga kapatid mo at anak mo, pati nga nanay mo nakadalaw na rin sa bahay namin at nakabisita.

June 13, 2003 nung umalis ka. Tandang-tanda ko pa. Ginawan kita ng sulat na isiniksik ko sa loob ng bag mo bago ka umalis. Hindi ko alam kung nabasa mo pa yun. May mga tulo pa ng luha ang sulat na yun dahil humahagulhol ako habang nagsusulat. Sabi ko dun sa sulat, iilang araw na lang ay birthday ko na pero hindi mo pa nahintay. Sabi ko sana pinalipas mo muna yung birthday ko bago ka umalis. [read on...]