Ready!
October 12, 2008
Napakarami nang mga Pinoy sa labas ng ‘Pinas. Kabilang na nga kami sa milyong-milyong Pilipino na naninirahan sa Amerika. Pero parang hanggang ngayon, hindi ko pa rin halos mapaniwalaan na nandito na nga kami. Parang nasa Pilipinas pa rin ako kapag nasa loob ako ng bahay. Lutong Pinoy pa rin ang madalas iluto ng daddy ko, at hindi pwedeng mawalan ng kanin. Tagalog pa rin naman ang ginagamit dito sa bahay, yun nga lang, hanggang sa loob lang ng bahay dahil paglabas ay English na.
1st year high school pa lang ako, pinag-uusapan na ang pagmamigrate namin. Akala ko nga hindi na ako makakapagsecond year high school sa Pilipinas eh. Pero nakapag 2nd year pa ako, at 3rd year, at 4th year. Tapos bago mag-1st year college, sinabihan ako ng tatay ko na magpadefer na lang sa UP. Syempre ayoko. Pero wala naman akong magagawa eh. Buti hindi natuloy. Nag-enrol pa rin ako sa unang semestre. Hindi ko rin naman natapos dahil isang linggo bago mag-finals, lumipad na rin kami.
Goodbye ‘Pinas. Babalik ako.
At eto na nga, babalik na, konti na lang. Matapos ang higit isang taon na paninirahan dito, higit isang taon na walang saysay at direksyon ang buhay, babalik na ako sa UP.
Sa oras na pumasok ako sa airport ay magsisimula na ang adventure ko. Mag-isa akong bibyahe mula LA hanggang Manila. Pagkatapos ng ilang buwan, babalik na naman ako dito sa CA dahil hindi ako maaaring lumagpas ng isang taon sa labas ng USA; mavovoid ang green card ko.
Dalawa lang ang habilin sa akin ng tatay ko. Una, uuwi ako para magtapos ng pag-aaral. Nagagalit ang mga kapatid niya sa kanya dahil bakit daw ako pauuwiin. Hindi na nga daw ako makontrol dito, paano pa kaya kung nasa Pilipinas na ako. Oo nga naman. Kasi nga naman pariwara akong bata eh. Kasi naninigarilyo ako, umiinom, nagdadrugs, nakikipaglandian, nagbubulakbol, iresponsable, babagsakin ang grades. Kaya paniguradong masisira lang ang buhay ko kapag umuwi ako ng ‘Pinas at malayo sa magulang na nagbabantay. NOT!
Mga tita at tito, hindi niyo ako kilala. Paano niyo ako makikilala eh hindi naman tayo nagkasama kahit kailan? Tigilan niyo nga yang negative conclusions niyo. Wag niyo akong itulad sa inyo. Wag niyong impluwensyahan ang tatay ko sa kakitiran ng utak niyo. May tiwala sa akin ang tatay ko at hinding-hindi ko yun sisirain.
Kahit kailan, hindi pa ako nakasubok na manigarilyo, malasing o magdrugs. Hindi pa aabot sa isang baso ang alcohol intake ko sa buong buhay ko. Hinding-hindi pa ako nakakatikim ng bagsak na grade sa buong buhay ko at wala akong balak na magkaroon nun. Matino ang barkada ko, at nagmula sila sa maayos na pamilya. Oo, kakaiba ang ugali namin, pero sila ang ilan sa pinakatotoong taong nakilala ko.
Ikinuwento ni daddy na si mommy rin daw dati, nakarinig ng mga negatibong haka-haka tungkol sa pagluwas niya papuntang Maynila mula sa probinsya. Kesyo di raw makakatapos ng pag-aaral kapag napunta sa Manila, palibhasa yung mga kababata niya ay ganon ang nangyari. Pero gaya ng tatay ko, may tiwala sa kanya ang mga magulang niya. Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa university nang matataas ang grades at nagkaroon ng magandang trabaho. Pinakasalan ang dad ko at nanirahan na sa Muntinlupa kung saan ako lumaki. Tulad ng Mommy ko, papatunayan ko rin sa mga kapatid ng dad ko, at higit sa lahat, sa sarili ko mismo, na kaya ko. (Di na nga lang ako umaasa sa matataas na grades. UP eh, kaya mahirap makasiguro sa grades.)
Ang ikalawang habilin sa ‘kin: wag magsisigarilyo. Struggle para sa kanya na mangaral sa akin dahil siya mismo ay naninigarilyo, kaya inunahan ko na siya. Sabi ko, alam kong masama yun at addicting, kaya mahirap itigil kaya wala akong balak na subukan man lang. Oo na lang siya. Ewan ko kung may iba pa siyang ihahabilin. Sana wala na. Baka iyakan niya ako, eh wowalk-outan ko talaga siya kapag ganon.
Kakayanin ko ang lahat ng pagsubok. Oo, malamang di laging tagumpay, pero kayang bumangon kapag nadapa. Mula pa noong bata ako, di ako umiiyak kapag nadadapa at nasusugatan. Di ako tulad ng ibang bata na nagpapapansin pa at nagngangangawa kapag nadadapa. Sa edad na tatlong taong gulang, naiiwan na akong mag-isa sa bahay kapag “in-between maids” (pag umalis yung katulong tapos di pa dumarating yung kapalit) kami. Mag-isang kumakain. Mag-isa sa fieldtrips. Mag-isang nagbabayad ng tuition sa school. Limang taong gulang ako nang matutong tumawid sa kalsada. Siyam na taong gulang nang matutong mag-mall mag-isa. Sa edad na labimpito, sasakay ako ng eroplano ng mag-isa pabalik sa ‘Pinas. Sanay akong maging independent. Sanay akong nag-iisa. Kaya kong alagaan ang sarili ko (sarili ko lang).
Di NIYA ako pinababayaan, noon hanggang ngayon. I have so much faith in the Almighty GOD. SIYA lang ang tanging hindi nang-iiwan anuman ang mangyari. Thank you so much, GOD.
Malapit ko nang makasama ang mga kaibigan ko na sobrang saya. At malapit na ring magsimula ang hirap, ang mga pagsubok, ang stress at pressure. Pero alam kong nandyan lang si JESUS na tagagabay. Kaya, echoing Spongebob, I’M READY!!!! I’m ready, I’m ready, I’m ready…
****
Huling sigaw: I LOVE YOU. FOREVER.
una sa lahat, gusto kong itanong kung may susundo ba sayo sa airport? mga tito at tita mo? :)
yan na, buhay estudyante na ulit. goodluck dito sa pinas. siyempre di pa naman kita ganun ka kilala at di ko pa alam ang kapasidad mo kaya isang malutong na goodluck ang maibabahagi ko. patunayan mo sa mga detractors mo na you’re such a winner! ha haha…
sabi nga ni john lloyd: ingat!
meron po, yung tita ko na kapatid ng mom ko.
maraming salamat po! aja!
ui, saang commercial ba yun? advil?
Uyy magbabakasyon sya. Masaya yan. Enjoy mo lang and prove them wrong with all of their judgmental conclusions. :D
bakasyon? di nga eh, kailangan mag-aral ng mabuti. pero syempre mage-enjoy pa rin!
Teka, makakapagblog ka pa kaya pag asa Pinas ka na?
sana po. :P
very
nice
post
=)
thanks. :)