Inuman week

October 20, 2008

Pagkadating ko pa lang, lumarga na ng inuman. Pagsapit ng Sabado, debut ng isang Bord, at after ng party, nag-inuman pa kaming mga nag-overnight sa kanila.

Wala akong balak uminom (di nga!), naisip ko na siguro titikim lang ako. Ilang araw na kasing masakit ang lalamunan ko kaya medyo masama na yung pakiramdam ko. Kulang pa ako sa tulog nang nagdaang gabi, at sobrang pagod na rin nung araw na yun kalalakad at kalilibot dahil sa paghahanap ng ireregalo. Tapos overnight pa at walang tulugan. Pagkatapos ng party, niswap ko kaagad ang 4-inch stilettos ko with flipflops. Naka-cocktail, tapos naka-flipflops! Nag-alisan na kasi karamihan ng bisita at kami-kami na lang halos, kaya nagslippers na lang yung iba sa ‘min. Antok na antok na ako kaya nakaupo na lang ako habang nagkukulitan pa sila habang naghihintay sa sundo para makauwi sa bahay nila R. [read on...]