Pasko na naman
December 1, 2008
Matagal (more than a week) nang hindi nag-e-email, nagtetext, o tumatawag ang dad ko. Syempre hindi naman ako nagchachat sa ym recently kaya hindi ko alam kung nag-o-online ba siya o ano. Hindi naman talaga ako nagsesend ng e-mail sa kanya, tagareply lang ako dahil siya yung nauuna. Pero makalipas ang ilang araw na wala pa rin siyang kibo, nagsend na ako ng e-mail. Lumipas pa ang ilang araw, wala pa ring reply sa e-mail ko. Kinabahan na talaga ako. Ang huling e-mail niya ay nag-uutos na ilista ko ang nagastos ko mula nang dumating ako dito sa Pilipinas. Kaya ang malaking tanong na gumambala sa isip ko:
Paano kung inatake siya sa puso sa laki ng ginastos ko?!
Pero ngayong umaga, tumawag na siya sa telepono dito sa apartment. Buti na lang, nandito lang ako at hindi ko naisipang maggala! Ayaw na ayaw kong sumasagot ng tawag sa telepono. Basta, ayoko lang. Lumaki naman ako na may telepono kami sa bahay, pero hindi ako yung tipo ng taong kapag nag-ring ang telepono eh nagkukumahog sa pagsagot nito. Kahit katabi ko na yung telepono at nabibingi na ako sa ring, hahayaan ko pa ring yung katulong namin ang sumagot nito. Buti naimbento ang text messages.
Nagring ang telepono namin sa baba. Mag-isa lang ako sa apartment kaya ako lang ang pwedeng sumagot. Mga labintatlong hakbang lang, abot ko na ang telepono at masasagot ko na yun. Pinag-isipan ko kung hahayaan ko na lang mapagod ang nasa kabilang linya o sasagutin ko. Fine, sagutin na.
“Hello?”
“O, bakit nandyan ka?” wokei. ang dad ko pala. so ano na?
“HA?!”
“Bakit nandyan ka malapit sa phone? May hinihintay ka, ‘no?”
“WALA! Nasa taas nga ako nagkocomputer eh.”
“Bakit di mo pa nirereplyan ang e-mail ko? Sumagot ako sa e-mail mo ah.”
“Ah… Eh… Hindi pa po ako nagbubukas ng e-mail eh.” Bakit kapag nangangatwiran ako ng katotohanan, parang kasinungalingan? Bakit kapag kasinungalingan, parang totoo?
Hindi raw sila pumunta kila Lolo nung Thanksgiving. Nung tinanong ko kung saan sila magpapasko…
“Pupunta kami sa DISNEYLAND, kasama sina Tita B mo.”
O_O
WTF!!!! Ang daya! Isama niyo ko! WAAAAHH!!!!
“Ah, okay.. Kailan? Ingat po kayo.”
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!
Matapos yun, nagbilin pa siya na kapag pabalik na ako dun next year, ibili ko ng games ang mga kapatid ko. Magbibigay daw sila ng listahan kung anu-ano yung bibilhin ko. Para daw sa gameboy ds at advanced at PSP.
PSP…
PSP…
PSP…
WHAT?!
“Ibinili niyo ulit sila ng PSP?!” Kala ko ba hindi niyo na sila bibilhan pagkatapos nilang iwala yung PSP… >.<
“Oo. Matataas naman ang grades eh.”
Payn.
“Nagagamit mo ba yung webcam mo?”
“Uh… Hindi po.” Wala namang paggagamitan eh.
“Sige, pagbalik mo dito ibibili kita ng bagong laptop tapos iwan mo na lang dito yan.”
“Ah…” PSP? Disneyland? Universal Studios? Tapos ako sa probinsya lang magpapasko kung saan wala pang internet?! Magpa-globe vis kaya ako?
Marami pa kaming napag-usapan sa iilang minutong phone call. Pinakausap pa sa ‘kin si Ivan, ang bunso kong kapatid. Kinailangang huminga ng malalim para pigilan ang kung ano mang emosyong taliwas sa pagiging “unfamily person” ko. Nakababa na ang telepono nang mag-sink in sa ‘kin ang sinabi ni Daddy.
“Ibibili niya ako ng bagong laptop?!”
Ano ngayon?! Ayoko pa ng bagong laptop dahil bago pa ‘tong ginagamit ko, at HP pa, so pwede na. Ano ba talagang gusto ko sa birthday ko? Malamang walang debut… Nagcotillion na ako nung 7th birthday ko kaya naranasan ko na yun. Di ko na kailangan ng debut na may cotillion, roses at candles. Wala rin namang mag-aasikaso nun. Kahit na ba kaya namang magpaparty, ayoko namang ako yung mag-asikaso nung lahat. May pasok na kaya malamang busy na rin ako sa panahong yun. Ako na nga yung may birthday, ako pa yung mahahaggard sa preparations ng party? No, thanks. So anong pwede kong hingin? Ibibigay niya yun… Lagi namang ganon eh. Laging may suhol.
Okay pa ang phone ko, bago pa ang laptop. I want an ipod, but i don’t want it that much. May phone at laptop naman kung gusto kong magmusic o manood ng vids. Pangyabang lang yung ipod. Medyo laos na rin kasi sobrang dami nang meron. Kung maglalabas sila ng bagong version, baka pwede pa. Gusto ko ng bagong phone, actually. Pero hindi karapat-dapat na hingin yun eh. Pwede ko namang ibenta yung N series kong phone at dagdagan na lang para makabili ako ng mas bagong model. Ayoko na ng iphone dahil wala nang hype at hindi yun practical sa pagtetext. Hindi ako gamer kaya wala akong pakialam sa mga ps3, wii o xbox 360 na yan. Hindi rin ako mahilig sa photography kaya wala akong balak bumili ng digicam. Ayokong humingi ng trip to hongkong dahil nakarating na ako ng America. Hindi ako mahilig sa beach kaya wag na rin sa Boracay. So ano nga kaya?
Wala pa rin akong Christmas wish list. Meron na akong list ng ireregalo ko sa ilang malalapit na kaibigan, pero ang gusto kong matanggap, wala pa. Last June, nung birthday ko, wala rin akong maisip na gusto kong matanggap na materyal regalo. Ano ba yan…
Sa totoo lang, alam ko naman talaga kung anong mga gusto ko para sa birthday ko last June eh. Alam ko rin kung anong mga gusto ko para sa pasko ngayon. At, sige, kung pwede nang i-advance yung para sa birthday ko next year, alam ko na rin kung ano ang mga hiling ko. Kaso nga lang, hindi yun nabibili ng pera. At ang iba pa, imposibleng mangyari, tulad ng “sana makapag-birthday ako/pasko kami ng buo ang pamilya.” Ilang taon ko nang hinihiling yan at ilang taon ko na ring niloloko ang sarili ko. Kahit kailan, hindi na mabubuo ang pamilya namin.
Ngayong pasko, dalawa ang ipinagdarasal ko at parehong para sa kanya: sana gumaling na siya, at sana magkasama kami sa pagdiriwang ng Pasko. Simple… Pero di tiyak kung may katuparan.