9 Facts, 1 BS

February 9, 2009

1. Kumakain ako ng choco flakes + milk ngayon at yun pa lang ang laman ng sikmura ko for the last 20 hours. Teka, di ba yun pwede? Sige.. uh.. Hindi ako pihikan sa pagkain, moody ako. Halimbawa, gusto ko naman ang pizza. Pero may mga oras na kahit matagal ko nang hindi nakakain ang pizza, ayoko pa ring kainin. Pana-panahon din lang ang pagkain ko ng gulay.

2. I love myself more than anyone else! O, di ba. Love your own self talaga. To the point na narcissistic na. Wala akong pakialam kung hindi ako mahal ng iba, basta nagagawa at nakukuha ko ang gusto ko at mahal ko ang sarili ko.

3. Hindi ako makakatulog ng walang kumot—kapag nasa sarili ko akong kama. Kapag nasa ibang bahay, natututo namang magtiis paminsan-minsan.

4. Nakakangiti at tawa ako anumang oras, kahit na nasa pinakamababang punto na ako ng buhay ko. Kahit nga sa gitna ng pag-iyak, nakakatawa pa rin ako. Pero halos mamatay naman ako sa gutom sa kawalan ng ganang kumain kapag may problema ako. Pero di ako mapayat. Sakto lang.

5. Suicidal ako. Seryoso. Minsan nagsasawa na rin ako sa pag-iisip na magpakamatay na lang kasi hindi ko rin naman magawa. Parang pinamumukha ko lang sa sarili ko na duwag ako. Kaya isa sa ultimate dream ko yung makatulog at hindi na magising kinabukasan. How peaceful. At least hindi ako nagsuicide.

6. Idol ko si Jose Rizal. ’nuff said.

7. Kinamumuhian ko ang Math. Magaling ako sa math nung elementary, pero pagdating ng high school, nawalan ako ng interest sa subject na yun. Naiintindihan ko naman yung concept at yung itinituro ng teacher, pero pagkatapos ng klase, nawawaglit na sa isip ko. Kaya nga okay ang seatworks ko (kapag di ako nagmumuni-muni habang nagdidiscuss si Ma’am), at sabog ang quizzes at exams ko. Siguro di lang talaga ako nag-aaral. Pareho pa namang magaling sa Math ang parents ko: Engineering at Accountancy ang natapos.

8. Pangarap kong maging isang manunulat. Sabi na nga ba nililinlang ko lang ang sarili ko na gusto kong magpakayaman paglaki ko. Parang gusto kong mag-adventure na maging isang manunulat, kesehodang maghirap pa. Pero syempre yung idealismong ganito ay nauunahan ng iba, tulad ng pag-iisip sa kapakanan ko sa hinaharap, kapakanan ng pamilya lalo’t panganay ako, at sa kapakanan ng bayan na makakabasa sa mga akda ko. Joke yung panghuli, sineryoso mo ata.

9. Dalawang lengguwahe lang ang alam ko: English at Filipino. Pero masasabi kong magaling naman ako sa pagsusulat at pakikipagtalastasan gamit ang dalawang iyon. Gusto ko sanang matuto ng pangatlo o pang-apat na lengguwahe, pero gusto ko kapag ginawa ko yun, magiging magaling din ako sa pagsulat at pagsasalita ng lengguwaheng iyon. Minsan kapag may nabasa ako o narinig, hindi ko maalala kung saang medium ko nabasa o narinig yung mga salita, English ba o Tagalog. Gusto ko kapag nag-aral ako ng pangatlong lengguwahe, ganon din, tipong mai-interchange ko yung tatlong lengguwahe dahil alam na alam ko na.

10. Stalker Internet hound ako. Hindi naman ako nanghaharass. Basta may taong nakapukaw ng atensyon ko, gusto ko nang malaman ang lahat ng kaya kong alamin tungkol sa kanila. Gusto ko lang i-google yung tao. Hindi ko naman inaalam ang address nila dahil wala akong balak punatahan, at hindi naman ako nakikipag-usap sa kanila. Basta interesado lang ako sa mga personalidad nila. Hindi dahil interesado ako sa isang tao ay may gusto na ako sa kanya. Kapag tapos ko nang i-stalk ang isang tao at masaya na ako sa mga nalaman ko, dun na yun nagtatapos, pwera na lang kung masaya pa ring subaybayan ang buhay niya. Kapag nagsawa tapos na ako, yun na yun, kakalimutan ko na.

Nahulaan mo ba kung alin yung kasinungalingan?

3 Responses to “9 Facts, 1 BS”

  1. iceyelo said

    galing ng listahan. hehehe. Napadaan lang po sa blog mo. nice.

    thanks. :D

  2. kirksydney said

    Ang hirap hulaan, hehe.

    haha! ayus lang. isang tao lang naman alam kong makakasiguro kung alin diyan yung di totoo eh. XP

  3. KB said

    antagal kong pinag-isipan kung bakit BS…

    mag-aral na kasi ng french. feel mo naman iyon eh.

    BS=Bullsh*t. Pardon my french. LOL
    eh yun nga gusto ko or Hapon, kaso di naman required sa ‘min mag-foreign lang.
    so ano, nahulaan mo yung mali? :P

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.