Pilat ng Alaala

April 27, 2009

Kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon.  Ang bagay na iyon ay hinding-hindi na mabubura sa isip ko.

Nakasusuka.

Malayo ang kailangang lakbayin upang maabot ang hangganan ng kaya kong tiisin o sikmurain. Pero sobra na. Lumagpas na.

Hindi ako nakalilimot ng mga bagay na ganoon. Nakatatak na sa alaala ko, tila ba inukit na at hindi na maaalis o matatakpan. Tulad ng ibang alaalang may mabigat na epekto sa akin. Kahit ilang panahon na ang lumipas ay nariyan pa rin, buo. Hindi malinaw at hindi malabo, ngunit buo, buong-buo.

Kristal na nabasag. Di na maibabalik. Siguro’y maididikit upang mabuo, ngunit may lamat, may basag, may puwang sa pagitan ng mga bahaging pilit pinagdikit.

Basag.

Nakasusuka. Maisip ko pa lang ay nasusuka na ako. Nakasusuka. Nakasusuka. Nakasusuka. Nakasusuka.

Kinamumuhian ko ang lahat ng bagay na may kinalaman sa ala-alang ito.

Hindi ako Diyos para di magpatawad, kahit sa sarili ko. Ngunit hindi ako nakakalimot. Kahit sa sarili ko.

Nakasusuka.

One Response to “Pilat ng Alaala”

  1. whoa. ano yun? emo?

    ano naman ang nagpaalala sa ‘yo ng “nakasusukang” alaalang iyon?

    yes, emo. himitsu.

Leave a Reply