On this day…

October 27, 2008

Hindi ako iyakin.

Noong bata ako, kahit na nag-aaway kami ng kalaro ko, hindi ako umiiyak. Hindi rin ako yung batang ngumangawa kapag hindi nakukuha ang gusto kasi lagi ko namang nakukuha kasi hindi ako demanding na bata at naiintindihan ko kung bakit hindi pwede.

Kahit na nadapa ako at nasugatan, hindi ako umiiyak. Ang natatandaan ko na umiyak ako dahil sa pisikal na sakit ay nung 7 taong gulang ako at kailangan akong i-dextrose dahil kailangan akong i-confine sa ospital. Nagwawala talaga ako dun sa kinahihigaan ko habang pinipilit akong injectionan. Eskandalosang bata. Pero sige lang sa kaiiyak at pagtawag sa kanya. [read on…]

Advertisements

Parapsia

October 24, 2008

I cried when I heard those words.
Not just because they were touching and full of concern.
Not just because they were true.
Not just because they were the words I’ve been waiting so long to hear.
Not just because they were the words that will make everything okay.
But mainly because…

…they were said by the wrong person.

****

written eons ago.

Inuman week

October 20, 2008

Pagkadating ko pa lang, lumarga na ng inuman. Pagsapit ng Sabado, debut ng isang Bord, at after ng party, nag-inuman pa kaming mga nag-overnight sa kanila.

Wala akong balak uminom (di nga!), naisip ko na siguro titikim lang ako. Ilang araw na kasing masakit ang lalamunan ko kaya medyo masama na yung pakiramdam ko. Kulang pa ako sa tulog nang nagdaang gabi, at sobrang pagod na rin nung araw na yun kalalakad at kalilibot dahil sa paghahanap ng ireregalo. Tapos overnight pa at walang tulugan. Pagkatapos ng party, niswap ko kaagad ang 4-inch stilettos ko with flipflops. Naka-cocktail, tapos naka-flipflops! Nag-alisan na kasi karamihan ng bisita at kami-kami na lang halos, kaya nagslippers na lang yung iba sa ‘min. Antok na antok na ako kaya nakaupo na lang ako habang nagkukulitan pa sila habang naghihintay sa sundo para makauwi sa bahay nila R. [read on…]

Watebur

October 17, 2008

Madalas na may side comment ang dad ko kapag nanonood siya ng tv at nasa may sulok ako kaharap ang laptop. Minsan napapasulyap ako sa tv at napapakumento rin. Pero bihira akong sumagot sa kumento niya, na madalas eh pang-inis sa ‘kin. (Syempre iba yung tanong; yun, kailangan talaga sagutin yun dahil may konting respeto pa rin naman ako sa tatay ko kahit na pasaway akong anak.) Pero ngayon, nagkumento siya at di ko napigilan ang sarili ko na magreact. [read on…]