Gut Feel

November 29, 2008

I am right and I know it.

But, as my friends put it, “Oh well, papel.” It won’t help me if I continue obsessing about it… Or about the things that lead to it.

The only way to solve this and have peace is to just stop and go on.

My instinct have never failed me. Sa kanya lang.

Advertisements

November 23, 2008

Sige lang.

Magalit ka. Isisi mo sa ‘kin. Kamuhian mo ako.

Okay lang.

Burahin mo lahat. Kalimutan mo ako. Kalimutan mo tayo. Kalimutan mo lahat.

Okay lang.

Galit din ako. Wala akong pakialam. Hindi kita kailangan.

Okay lang.

Umalis ka. Iwan mo ako. Tulad ng lagi. Sanay na ako.

Okay lang.

Itulak mo ako palayo. Itulak mo ako sa iba. Itulak mo ako sa hukay.

Okay lang.

Okay lang.

Okay lang.

Wag na wag mo lang sasabihing hindi kita mahal.

Lemonade Award *daw*

November 22, 2008

Wow! Natouch ako. Sa pinakaunang pagkakataon mula nang mag-Wordpress ako, may nang-tag sa ‘kin. Obvious na walang online life, amf! Hindi pa naman ako nakakapag-bloghop recently dahil sa busy-busyhan sa acads (weh?!) at sa lablayp (yun yun eh!). At syempre ang plurk na di ko mabitawan kapag nasimulan. Buti pala nakabisita ako sa lungga ni MANONG Neytan na ayaw magpatawag ng Kuya. Sisikapin ko na ulit maging aktibo sa blogosperyo. Masyado nang madrama ang buhay ko at kailangan ko na ulit ng sayang maibibigay ng nagkalat na Pinoy Humor Blogs sa internet.

Kaya salamat, kuya Kirksydney. Tamang timing ka.

The rules of this award:
1. Put the logo on your blog or post.
2. Nominate at least 10 blogs which show great attitude. [read on…]

Evilness at it’s best

November 10, 2008

I’m your worst nightmare. mwahaha…

I’ve been thinking recently that I really am evil.

Matagal ko nang alam na hindi ako mabait. Maldita, supladita, brattinella–mula pagkabata, ganyan na ako. May mga classmate at schoolmate akong napaiyak, puro lalaki, at hindi dahil nabasted ko sila (di pa uso ang ligawan noon, bata pa kami!!). Ginalit at inasar ko lang naman hanggang sa maiyak sila dahil sa bugso ng emosyon. Di kasi sila makaganti dahil babae ako. Puro lalaki lang inaaway ko dahil sila lang naman ang mapang-asar. Hindi ako nao-office o napapagalitan ng teachers. Ewan ko kung bakit. Nagpupunta lang ako sa principal’s office noon dahil tumatambay kami lagi ng classmates ko dun. Malamig eh.

Pagdating ko ng high school, nadagdagan pa yang mga traits na yan ng pagka-judgmental at fault finder—judgy at ff. Pwede kong sabihin na impluwensya ng barkada, pero hindi rin. [read on…]