Mas masahol pa sa pagod

July 21, 2009

Galing ako sa meeting ng org. Hindi naman ako pagod nung umalis ako at sumakay ng ikot. Pero pagkababa ko, kakaiba na ang pakiramdam ko. Parang gusto ko na lang lumupasay. Sobrang pagod. Dahil nagpalipas na naman ako ng gutom buong araw, kailangang dumaan sa Migo’s para kumain. Naisip ko magteteakeout na lang ako. Sa paglapit ko kay Ate para umorder, sabi niya, “Mahangin ba sa labas?”

Ewan ko ba. Narinig at naintindihan ko naman yung sinabi niya, pero kagyat ang pagtugon ko ng “Ha?” Inulit niya ang sinabi niya at napangiti ako ng bahagya. Napahawak sa buhok at sinuklay ng kamay. Alam ko kakasuklay ko lang naman. Nasabi niya siguro yun dahil mukha akong dinaanan ng delubyo: tahimik at walang kabuhay-buhay, samantalang palagi naman akong nakangiti kapag umoorder ako sa kanya. Suki na rin kasi. [read on…]

Hulyo

July 5, 2009

Akalain mo yun, Hulyo na. Parang kailan lang bakasyon pa. Tapos pinahaba pa ng isang linggo dahil sa sikat na sakit ngayon. At nagpasukan na. Nagsimula na ang kalbaryo. Parang kailan lang mag-isa pa ako dito sa bahay. Ngayon, mag-isa na naman dahil hindi pa umuuwi ang mga kasambahay ko.

Akalain mo yun, Hulyo na. Tapos na ang Hunyo. Tapos na ang isang buwang selebrasyon ng kaarawan ko. Selebrasyon daw kuno eh mas maraming oras pa akong mag-isa kaysa sa mga oras na may kasama. Kahit may kasama ay wala namang kausap. Selebrasyon daw kuno. Pero kung tutuusin, mas masaya naman ako ngayong taon kaysa noong nakaraan. Paano, kasama ko nga ang pamilya ko, di ko naman kasama ang mga kaibigan ko. Ngayong taon, kasama ko nga ang mga kaibigan ko, di ko naman kasama ang mga pamilya ko. Bakit kailangang pumili? Ewan. Hindi naman ako pumili eh. Ganoon lang talaga. Dulot ng mga sirkumstansyang hindi ko kayang baguhin o kontrolin. [read more…]